Nalagutan ng hininga si Leonil Cabalida Lumerosa, isang empleyado sa Makati City dahil umano sa sobrang pagtatrabaho at hindi nakakapag-day off.

“Sobrang lusog at Walang bisyo. kumakain ng healthy foods lage, umiiwas kadin sa soft drinks at coffee. Ginalingan mo naman masyado sa work mo para lang maka quota nag straight duty ka laging overtime 2 weeks walang day off kahapon kalang nag off tapos deretso pahinga kana man,” caption sa post ni Chrislyn C. Lumerosa, kapatid ng biktima.

Ayon sa kapatid ng biktima na si Chrislyn C. Lumerosa, maganda ang pangangatawan at walang bisyo ang kanyang kapatid.

Nabanggit niya na si Leonil ay palaging kumakain ng mga masusustansyang pagkain at umiiwas sa mga soft drink at kape, kapwa sinasabing masama sa kalusugan.

Naniniwala siya na ang pagiging overworked ay nakaapekto sa kalusugan ni Leonil. Inihayag niya na ginawa ng kanyang kapatid ang kanyang trabaho nang maayos para lamang may maipangtustos sa kanyang pamilya.

Ulat ni Shannen Soriano