Tumaas ng 23 spots ang Pilipinas para pumuwesto sa ika-53 ito ngayong 2024 Happiest Country list. Ito ay base sa annual survey kung saan sinusukat ang level of happiness ng tao sa buong mundo.

Napanatili naman ng bansang Finland ang pinaka unang place bilang pinaka masayang bansa sa buong mundo sa 7 na sunod-sunod na taon.

Ang ranking ay base sa happiness measurement sa life evaluation data na kinolekta sa mga bansa mula 2021 hanggang 2023.

Ito ang 10 nangungunang pinakamasayang bansa sa mundo:

  1. Finland
  2. Denmark
  3. Iceland
  4. Sweden
  5. Israel
  6. Netherlands
  7. Norway
  8. Luxembourg
  9. Switzerland
  10. Australia

Samantala ang Afghanistan ay nanatiling pinaka mababa na ika-143, dahil sa patuloy na kaguluhan sa politika sa bansa.

Ulat ni Erika May Lagat/Intern