Kabilang ang Lapu-Lapu City, Cebu City at Mandaue City sa pinakamayamang lungsod sa labas ng Metro Manila noong 2022, batay sa Provincial Product Accounts (PPA) ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Ayon sa datos ng PSA noong 2022, na nasa ikatlo ang Lapu-Lapu City na umabot sa P313,039; nasa ika-anim ang Cebu City na nasa P293,426 ang per capita; at P274,376 ang gross domestic product (GDP) ng Mandaue City, na pumuwesto sa ikawalo.
Ang per capita GDP ay sukatan ng economic growth ng bawat tao sa isang partikular na lugar. Sukatan din ito kung gaano kayaman o mahirap ang indibidwal sa isang lugar.
Ang pinakamayamang lungsod sa labas ng Metro Manila ay ang Baguio sa Cordillera region na may per capita GDP sa P420,016, o higit sa doble ang national average na P178,751.