Aprubado na sa ikatlo at hulling pagbasa ng Kamara de Representantes ang Resolution of Both Houses (RBH) No. 7 na naglalayong amiyendahan ang restrictive economic provisions ng 1987 Constitution.
“These changes, if ratified by our people in a plebiscite, will greatly boost these measures, including our President’s investment missions abroad which have generated actual investments and pledges in the billions of dollars and created thousands of jobs,” sabi ni House Speaker Martin Romualdez.
Noong Pebrero 19 nang Inihain sa Kamara ang kontrobersiyal na resolusyon ng mga may akda nito na sina Senior Deputy Speaker at Pampanga Rep. Aurelio Gonzales Jr., Deputy Speaker at Quezon Rep. David Suarez, Majority Leader Manuel Jose Dalipe at iba pang lider ng Mababang Kapulungan.
Sa ginanap na botohan, 288 kongresista ang pumabor sa RHB No. 7, walo ang kumontra habang dalawa naman ang nag-abstain.
“We have paved the way and created a turning point for our nation,” masayang inihayag ni Romualdez.
“This is more than just an economic imperative; it is a clarion call to action that resonates with the aspirations of the Filipino people for a more prosperous and secure future,” dagdag niya.