Naglaan na ang Department of Budget and Management (DBM) ngayong Miyerkules, Marso 20, ng mahigit P91 bilyong pondo para sa mandatory emergency benefits at allowance ng mga health workers na nasa public at public health institutions.
Sinabi ng Department of Budget and Management (DBM) na naglabas na ito sa Department of Health (DOH), bilang implementing agency, ng kabuuang P91.283 bilyon para sa Public Health Emergency Benefits and Allowances (PHEBA) para sa mga healthcare workers.
Narito ang halaga inilabas ng DBM para sa PHEBA sa mga nakaraang taon:
2021: P12.1 bilyon
2022: P28 bilyon
2023: P31.1 bilyon
2024: P19.962 bilyon
Batay sa liham ng DOH, sinabi ng DBM na nakapaglabas na ito ng kabuuang P91.283 bilyon para sa PHEBA, kabilang ang P73.26 bilyon para sa Health Emergency Allowance (HEA)/One COVID-19 Allowance (OCA), P12. 90 bilyon para sa Special Risk Allowance (SRA), P3.65 bilyon para sa COVID-19 Sickness and Death Compensation, at P1.4 bilyon para sa iba pang benepisyo, tulad ng meal, accommodation, at transportation allowance.
Gayunpaman, iniulat ng DOH na mula sa mga nasabing halaga, nakapaglabas ang ahensya ng kabuuang P76.1 bilyon sa mga health worker.
Ang pondo ay dapat ilaan para sa 8,549,207 claimants mula Hulyo 1, 2021, hanggang Hulyo 20, 2023.