Ikinagalit ni Sen. Risa Hontiveros ang panibagong pangungutniya ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder at ngayo’y FBI’s most wanted person na si Apollo Quiboloy laban sa Senado nang lumabas ito sa isang video.
“The level of mockery of a constitutional exercise of duty by a committee of the Philippine Senate is unprecedented and disturbing, and further confirms Quiboloy’s undue refusal to appear before the committee,” saad ni Sen. Risa Hontiveros.
Sa naturang video, iginiit ni Quiboloy na hindi siya obligadong humarap sa komite dahil hindi ito bahagi ng court proceedings.
Sa press conference sa Senado ngayong Lunes, sinabi ng chairman ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality na hindi na dapat pang patagalin ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang pagpapalabas ng arrest warrant laban kay Quiboloy dahil sa walang tigil nitong pambabastos sa Mataas na Kapulungan.
“Sa mga kasamahan ko sa Senado, huwag nating hayaan maliitin niya ang ating iniingatang institusyon. Kung hindi pa tayo manindigan sa kanyang tahasang pambabastos sa Senado, ewan ko kung saan tayo pupulutin nito,” ayon sa senador.
Naniniwala rin si Hontiveros na nag-lapse na ang show cause order na inilabas ng Senado laban kay Quiboloy kaya dapat na maglabas ng arrest order ang Mataas na Kapulungan.
“I request for the Senate President to issue an arrest order against Apollo C. Quiboloy.
He must show up. He must respect the institution of the Senate,” ani Hontiveros.