Sinabi ni Atty. Ferdinand Topacio, abogado ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Apollo Quiboloy, na kasalukuyang nasa bulubunduking lugar ng Davao ang kanyang kliyente upang manalangin para sa ‘divine guidance.”

Sa panayam ng programang ‘Storycon’ sa Cignal TV One News nitong Huwebes, Marso 14, sinabi ni Topacio na nakipagpulong siya sa ibang miyembro ng legal team ni Apollo Quiboloy bilang paghahanda sa paghahain ng arrest order laban sa kanilang kliyente na inalabas ng dalawang kapulungan ng Kongreso.

Ani Topacio, pinagusapan din nila ang kanilang magiging sunod na legal na hakbang matapos bawiin ng Kamara de Representantes ang prangkisa ng Sonshine Media Network International (SMNI) na itinayo ni Quiboloy subalit na isalin na ang pagaari ng KOJC.

Sinabi rin ni Topacio sa program ana pinaplantsa na ng kanilang grupo ang pagpasok ni dating Pangulong Rodrigo Duterte bilang administrator ng malalaking ari-arian ng KOJC.