Naiinip na si Sen. Robinhood Padilla na ang kanyang isinusulong na panukalang batas para sa pagbabalik ng mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) ay hindi gumagalaw sa Mataas na Kapulungan.
“I’m getting impatient with the mandatory ROTC bill. I was so impatient that I came up with my own strategy,” sabi ni Padilla.
“I have lost hope. It’s been two years — for me, what are we waiting for? I had a platform when I ran, we filed it. [But], two years in this chamber, still nothing,”dagdag pa ni Padilla.
Kaya gumawa siya ng sariling pamamaraan at inilunsad ang Basic Citizen Military Training sa Senado.
Ang Basic Citizen Military Training ni Padilla ay inihayag noong Marso 11. Mula noon, 161 indibidwal na ang nag-sign up. Sinabi ng senador na ang kanyang layunin ay magkaroon ng 300 indibidwal na makikilahok sa basic military drill na magtatagal hanggang Hunyo.