Tila nahihilo na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pabago-bagong mga pahayag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa kanyang pamamahala ng bansa.
“Nako-confuse ako kay [F]PRRD, papalit-palit eh. So, we will, tingnan ko muna kung ano ba talaga ang sinabi niya para maintindihan ko. I think, hindi ko talaga naintindihan kasi parang naiiba, bawat salita niya iba. I will try to make sense of it,” sabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ito ay kasunod ng pag-atake ni Duterte sa kanya at sa kanyang ama at sa kanilang motibo sa charter change o Cha-cha sa ginanap na “prayer rally” sa Liwasang Bonifacio sa Maynila nitong weekend.
Ayon sa Pangulo, kailangan pa niyang maunawaang mabuti ang mga sinasabi ng dating pangulo bago magbigay ng anumang pahayag.