Kabuuang P1.2 bilyong halaga ng cash assistance at livelihood programs ang ipinamahagi sa isinagawang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) sa Calapan, Oriental Mindoro oong Marso 9 hanggang 10.
“This is a clear indication that services are being felt and properly implemented at the grassroots level,” pahayag ni Deputy Speaker at Quezon 2nd District Rep. David ‘Jayjay’ Suarez.
Ang isinagawang BPSF sa Oriental Mindoro ay patunay na maaaring ibaba at ipatupad ng maayos ang mga serbisyo at programa ng gobyerno sa pinakamababang antas ng lipunan, ayon kay Deputy Speaker at Quezon 2nd District Rep. David “Jayjay” Suarez.
Si Suarez ay kabilang sa may 20 mga kongresista na sumama kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa paglulungsad ng BPSF sa Calapan.
“Ang sabi nga nong ilang mga nabigyan ng tulong, meron pala, puwede pala. So, ito po iyong pagpapakita na nasa tamang pamamaraan ang paggastos at paggamit ang pondo ng pamahalaan na direktang pinakikinabangan ng atin mga kababayan,” dagdag ni Suarez.
Sa kabuuan, ayon kay Suarez, 50,000 mga residente sa Mindoro ang naging benepisyaryo hindi lamang ng financial assistance programs, kundi maging ng one-stop-shop ng serbisyo ng mga tanggapan ng pamahalaan tulad ng PhilHealth registration at applications ng DFA passport, NBI clearance, police clearance, PSA birth certificate, Pag-IBIG membership at housing loan, SSS membership at GSIS UMID, at iba pa.