Limang araw matapos maitalaga bilang officer-in-charge ng National Food Authority (NFA), sinuspinde naman ng Office of the Ombudsman ngayong Lunes, Marso 11, si Piolito Santos matapos madawit din sa rice scam.
Naglabas ng bagong suspension order ang Office of the Ombudsman laban kay Piolito Santos, limang araw matapos ito itinalaga bilang officer-in-charge ng National Food Authority (NFA).
Ayon sa ulat ng DZRH, sinuspinde si Santos matapos masangkot sa rice scam na naging dahilan din sa pagkakasibak sa puwesto ng dating administrador ng NFA na si Roderico Bioco at 138 kawani ng ahensiya.
Ito ay may kaugnayan sa kontrobersiyal sa diumano’y sobrang murang pagkakabenta ng rice buffer stocks ng NFA sa ilang mga traders na ikinalugi ng milyung-milyon ng gobyerno.
Dahil pagtanggal sa puwesto kay Santos, si Department of Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang muling pansamantalang mamamahala ng NFA, ayon pa sa report.