Isa sa mga hakbang ng pinagaaralan ngayon ng kampo ni Apollo Quiboloy ang pagkuwenstiyon sa Supreme Court ng arrest warrant na nakakasa sa Senado laban sa nagtatag ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC).
Ayon kay Mark Tolentino, isa sa mga abogado ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Apollo Quiboloy, handa rin silang kuwestiyunin sa Korte Suprema ang nakaambang arrest warrant mula sa Senado upang madetermina ang legalidad nito.
Sa tulong ni Sen. Robinhood Padilla, naniniwala rin si Tolentino hindi rin papayagan ng Senado ang pagaresto kay Quiboloy dahil sa pagsuway nito sa subpoena na inilabas ng Committee on Children, Women, Family Relations and Gender Equality na nagoobliga sa kanya na humarap sa mga pagdinig.
Nangangailangan ng walong boto sa hanay ng mga senador upang maglabas ang Senado ng arrest warrant na tahasan namang kinokontra ni Padilla.