Dapat umanong kabahan si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa huling dalawang survey na nagsasabing dumarami ang bilang ng mga Pilipino ang pabor sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa kinakaharap nitong crimes against humanity.
“In case Duterte missed it, the writing is on the wall. The SWS and OCTA surveys unequivocally convey the overwhelming Filipino sentiment favoring an ICC investigation of the drug war EJKs, even in Mindanao, his supposed bailiwick,” sabi ni dating senador Leila de Lima.
Ito ang sinabi ni dating Sen. Leila de Lima kaugnay ng inilabas na resulta ng survey ng Social Weather Station kamakailan kung saan 56 porsiyento ang nagsabi na pabor na sila sa pagpasok ng mga imbestigador ng ICC sa bansa, at ang survey ng OCTA Research kung saan 59 porsyento naman ang nagsabi na sila ay pabor na muling bumalik ang Pilipinas sa ilalim ng ICC.
Ang dalawang survey ay isinagawa noong Disyembre 2023.
Ayon kay De Lima marami ang tutol sa war on drugs noong nakaraang administrasyon subalit takot na lumantad ang mga ito dahil sila ay maaaring balikan.
“During the height of the drug war, Filipinos were still mostly against EJKs (extra judicial killings), albeit quiet out of fear, even while favoring a strong response to the drug problem,” aniya.