Pitumpu’t pitong porsiyento, o tatlo sa apat ng mga adult Pinoys, na nagsabing handa silang sumabak sa giyera upang ipagtanggol ang bansa sakaling may maganap na foreign aggression, batay sa December 2023 Fourth Quarter Tugon ng Masa (TNM) survey.
Ito ang lumabas sa pollster ng OCTA Research noong Linggo, Marso 10 na kinomisyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Isinagawa ang survey noong nakaraang taon gamit ang sample size ng 1,200 adult Filipino na may ±3% margin of error.
Hindi bababa sa 60 porsiyento, o anim sa 10 respondents, ang handang lumaban across major study areas. Ang Mindanao ay nagtala ng pinakamataas na antas sa 84 porsiyento, habang ang pinakamababa ay sa Visayas na aabot sa 62 porsiyento.
Isinagawa ang survey noong Disyembre 10 hanggang 14, 2023 kung saan sariwa pa ang naganap na pagbomba ng water cannon ng China Coast Guard (CCG) sa mga barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na nagsasagawa ng routine and resupply mission sa Scarborough Shoal.