Pinangunahan ni House Speaker Martin Romualdez ang pamamahagi ng P23 milyong tulong sa pamamagitan ng scholarship at livelihood assistance sa mahigit 7,000 residente ng Oriental Mindoro nitong weekend. Ito ay base sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
““Ito pong mga programang ito ay tugon natin sa hamon ng Pangulong Bongbong Marcos na ang mga kababayan nating nangangailangan sa lahat ng sektor ay ating tulungan. Ito ang esensya ng Bagong Pilipinas ni PBBM, ang walang naiiwang Pilipino sa serbisyo ng gobyerno,” sabi ni House Speaker Martin Romualdez.
Ang mga benepisyaryo ay natulungan ng Marcos administration sa ilalim ng mga programang Integrated Scholarships and Incentives Program (ISIP) para sa mga kabataan; Start-up, Investment, Business Opportunity and Livelihood (SIBOL); at Farmers Assistance for Recovery and Modernization (FARM).
Hinggil sa programang ISIP, nakatanggap ng P2,000 ang kada isang estudyante mula sa mahigit 2,000 qualified beneficiers bilang tulong pinansiyal mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ang pagpapatupad ng mga programa ay kasabay ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) na ginanap nitong Marso 9-10 kung saan aabot sa P1.2 bilyon ang ipamamahagi ng gobyerno sa mga residente ng Mindoro Oriental.