Sinabi ng private operator ng Light Rail Transit Line-1 (LRT-1) nitong Miyerkules, Marso 6, na 97 porsiyento na kumpleto ng unang bahagi ng extension project nito sa Cavite at target na magamit ng mga commuter sa fourth quarter ng 2024.
Paliwanag ng Light Rail Manila Corporation (LRMC), na ang LRT-1 Cavite Extension Phase 1 ay magpapalawak sa kasalukuyang LRT line ng 6.2 kilometro na magkokonekta sa Baclaran Station sa Pasay City hanggang sa Dr. Santos (Sucat) Station sa Parañaque City.
“We are optimistic about the progress achieved in the LRT-1 Cavite Extension Phase 1 project. This significant milestone is a testament to the perseverance and dedication of our team and our contractors, all working together to make this project come to life connecting countless residents in the south of Metro Manila and nearby provinces,” ayon kay LRMC President and CEO Juan F. Alfonso.
Makakapagsakay ng hanggang 600,000 pasahero araw-araw ang extension na ito, kapag ganap nang gumana, sinabi ng pribadong operator ng LRT-1 sa isang pahayag.
Sinabi ng Department of Transportation (DOTr) sa kanilang website na ang buong Cavite extension ng kasalukuyang LRT-1 ay 11.7 km ang haba ng ruta at tatakbo mula Baclaran hanggang Niog sa Bacoor, Cavite. Mababawasan rin ang oras ng biyahe mula Maynila hanggang Cavite sa 25 minuto mula kasalukuyang isang oras at 10 minuto.
“The LRT-1 Cavite Extension Project is poised to significantly contribute to the nation’s economic growth and development by fostering improved connectivity between individuals and communities,” ani pa ni Alfonso.