Bahagyang nakahinga si Senate President Juan Miguel Zubiri matapos madagdagan ng tatlo pang senador ang bilang ng mga lumagda sa manifesto of support sa kanyang liderato ngayong Miyerkules, Marso 6.
Nangyari ito sa gitna ng mga espekulasyon na may magaganap na ‘coup de ‘etat’ sa Senate leadership.
“I’d like to thank Senator Bong Revilla, Senator Robinhood Padilla, and Senator Jinggoy Estrada also signed, together with the original 14 that had signed,” ani Zubiri sa press conference ngayong Miyerkules, Marso 6.
Ito ay sa gitna ng mga pag-ugong na may mga nagpaplano no mapalitan si Zubiri sa posisyon ng Senate president nitong mga nakaraang araw na itinanggi naman ng ilang senador.
Samantala, kabilang sa hindi lumagda sa statement of support para kay Zubiri ay sina Senators Imee Marcos, Cynthia Villar, Pia Cayetano, at Alan Peter Cayetano kung saan ang karamihan sa kanila ay kasalukuyang nasa ibang bansa.