Sa ginanap na pagdinig sa Resolution of Both Houses (RBH) No. 7 nitong Martes, Marso 5, ipinagtataka ni Cagayan de Oro City 2nd District Rep. Rufus Rodriguez kung bakit salungat ang Department of Education (DepEd) sa panukalang baguhin ang ilang probisyon sa Konstitusyon na may kinalaman sa basic education institutions sa bansa bagamat ang ahensiya ay parte ng ehekutibo.
“You have a position paper that says you object to the lifting of this. I always thought that the Secretary of Education is the alter ego of the President. Can you confirm, Mr. Romero? Is it not that all cabinet members are alter egos of the President?” tanong ni Cagayan de Oro City 2nd District Rep. Rufus Rodriguez kay DepEd Undersecretary Omar Alexander Romero.
Pinaalalahanan ni Rodriguez si DepEd Undersecretary Omar Alexander Romero na ang DepEd ay kabilang sa mga ahensiya ng gobyerno ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at sino mang nakaupo bilang lider ng ahensiya ay tumatayong ‘alter ego’ ng presidente ng bansa.
Ayon kay Romero, kontra ang DepEd sa pag-amiyenda ng Article XIV, Section 4 ng 1987 Constitution dahil maaari itong mag-resulta sa pagpapalawak ng kontrol ng mga banyaga sa mga paaralan na hindi katanggap-tangap kay Rodriguez.
Sinabi ni Iloilo Rep. Janette Garin kamakailan na maraming Pinoy ang nangingibang bansa upang makapag-aral lang sa mga prestihiyosong kolehiyo o unibersidad sa kabila ng milyung halaga ng gustusin sa tuition fee at billeting expenses ng mga estudyante.