Naniniwala ang National Economic Development Authority (NEDA) na nananatiling matatag ang ekonomiya ng Pilipinas sa kabila ng pagsipa ng inflation rate ng bansa sa 3.8 percent nitong Pebrero 2024 mula sa 2.8 porsiyento noong Enero ng kasalukuyang taon.
“The higher inflation in February 2024 remains within the government’s target range of 2 percent to 4 percent for the year, demonstrating successful macroeconomic management,” ayon sa NEDA.
Sa ulat ng NEDA na pasok pa rin sa target ng pamahalaang Marcos nitong Pebrero 2024 sa dalawang porsiyento hanggang apat na porsiyento para sa kasalukuyang taon.
“The economic team continues to pursue programs and measures to manage the primary contributors to inflation,” ayon naman kay Special Assistant to the President on Investments and Economic Affairs Frederick Go.
Nangako naman ang NEDA na patuloy nitong susubaybayan ang presyo at supply ng mga produktong pagkain sa bansa sa gitna ng banta ng matinding epekto ng El Niño phenomenon na mabilis na kumakalat sa iba’t ibang bahagi ng bansa.