Hindi pinaboran ng Department of Justice (DOJ) ang petition for review na inihain ng kampo ni Apollo Quiboloy, lider ng Kingdom of Jesus Christ (KJC), laban sa unang resolusyon ng Office of the Prosecutor na nagbabasura sa reklamo laban sa religious sect leader.
Sinabi ni Department of Justice (DOJ) Secretary Crispin Remulla na inatasan na ang Chief Prosecutor ng Davao City na ihain na ang mga kasong kriminal laban kay Apollo Quiboloy na kinabibilangan ng sexual abuse of minor sa ilalim ng Republic Act 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.
Pinakakasuhan din ng DOJ ang iba pang kasamahan ni Quiboloy ng child abuse, cruelty o exploitation sa ilalim ng RA 7610, at qualified human trafficking sa ilalim ng RA 11862 o Anti-Trafficking in Persons Act of 2003.
Naglabas na rin si Remulla ng preliminary hold departure order upang hindi makalabas ng bansa si Quiboloy at ibang kasamahan nito na kasama sa charge sheet.
Umaasa ang DOJ na maihahain ang kaso kay Quiboloy bago umusad ang extradition treaty na ikinakasa ng US government laban sa KJC leader.