Ipinosisyon na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang BRP Gabriela Silang, itinuturing na isa sa mga pinakamalaking patrol ships nito, sa Benham Rise sa gitna ng panghihimasok ng China Coast Guard ships (CCG) vessels sa lugar na pasok sa teritoryo ng Pilipinas.
Ayon kay PCG spokesperson Rear Admiral Armand Balilo, mananatili ang BRP Gabriela Silang, isang 84-meter vessel, sa lugar ng dalawang linggo upang magsagawa ng maritime domain awareness at protektahan ang mga Pinoy na mangingisda sa lugar laban sa mga umaaligid na CCG ships.
Lt. Gen. Fernyl Buca, hepe ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Northern Luzon Command (Nolcom) which has jurisdiction over the region, dalawang CCG vessels ang kanilang naispatan malapit sa Benham Rise kamakailan.
“We will also check the reported Chinese research vessels in Benham Rise,” ayon pa kay Balilo.
Dahil dito, inalerto na rin ang air assets ng AFP sa Northern Luzon upang bantayan ang Benham Rise na sinasabing mayaman sa marine resources.