Sa ginanap na pagdinig ng House Committee on Public Order and Safety ngayong Lunes, Marso 4, labis na ipinagtataka ni ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo ang patuloy na pamamayagpag ng illegal gambling activities, lalo na ang “loteng,” sa halos lahat ng sulok ng bansa sa kabila ng kampanya ng gobyerno laban dito.
“Congratulations po sa mga LGU natin na mga mayor, governor at congressmen na wala pong illegal gambling sa kanilang lugar kasi mayroon po silang political will. It is called ‘political will,’ ladies and gentlemen,” sabi ni ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo.
“May nakulong na po bang mayor o governor na nasasakupan niya lugar na may illegal gambling. Wala pa po eh,” giit ni Tulfo.
Aniya, batid niya kung gaano kalala ang suliranin sa illegal gambling dahil sa mahabang panunungkulan bilang mamamahayag ay matagal itong binabraso ng gobyerno subalit hindi pa rin ito natutuldukan kaya bilyong pisong halaga ang nawawala sa kaban ng pamahalaan.
“Kapag ayaw po ng mayor o governor po ‘yan, titigil po ‘yan. Trust me,” ani Tulfo.