Nagbabala ang Philippine National Police (PNP) nitong Biyernes, Marso 1, sa publiko laban sa mga vacation scam sa gitna ng pagtaas ng bilang ng mga kaso na sinusubaybayan ng mga awtoridad.
Batay sa Anti-Cybercrime Group (ACG), sinabi ni PNP spokesperson Col. Jean Fajardo na may kabuuang 478 kaso ng scamming na kinasasangkutan ng travel, tour, at accommodation packages ang naitala mula noong 2021.
“We would like to take this opportunity to warn and remind our public na mag-ingat po. Especially, kung ang kapalit agad noon is magpapadala kayo ng pera with you not knowing kung sino ang mga ‘yun,” paliwanag ni Fajardo.
“Sa mga travel agencies, meron naman po, puwede po nilang alamin po iyan kung sino ang authorized na travel agency na talagang may authority para magbigay ng promos with respect sa vacation and travel packages,” dagdag pa ni Fajardo.
“Vacation scam is an ICT-enabled crime where criminals impersonate legitimate establishments, offering online accommodation services at lower prices than usual. However, upon arrival, victims find their reservations nonexistent in the establishment’s system, revealing the scam,” ayon naman sa ACG.