Umapela ang mga miyembro ng Joint Foreign Chambers of Commerce (JFC) sa Pilipinas na tanggalin ang economic restrictions sa 1987 Constitution para mapadali ang pagpasok ng foreign direct investments (FDI) sa bansa.
“We recognize that the government’s mandate to protect vital national interests by placing some restrictions on FDI. In this respect, we note that most national economies use legislation or executive regulations to respond to such an important consideration,” ayon sa JFC sa isang liham para kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez.
Igiit ng grupo ang kabutihang maidudulot ng executive regulations upang mabilis ang pagpasok ng FDI na angkop sa makabagong teknolohiya na dapat sundan ng international treaties.
Samantala, iniulat ng grupo na ang pumasok na FDI sa rehiyon ay tumaas ng 5.5 porsiyento noong 2022 patungo sa record high na $224 bilyon (P12.55 trilyon), o halos 17 porsiyento ng pandaigdigang FDI. Subalit, anila, ang Pilipinas ay hindi gaanong nakinabang dito, dahil bumaba ito sa $9.2 bilyon (P515.57 bilyon) mula sa $12 bilyon noong 2021.
Gayunpaman, sinabi ng JFC na kung pupunta ang Congress sa nabanggit na direksiyon, makatutulong pa rin ito sa pagtugon sa mga pagbabago sa global economy mula noong nabuo ang Constitution noong 1987, kabilang ang paglagda sa mga free trade deal at pagsali sa mga free trade bloc.
“Many of these developments emphasize the need for free movement of capital across borders and a level playing field between foreign and domestic investors without undue restrictions,” sabi pa ng JFC.