Pinag-aaralan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang posibilidad na madagdagan ang cash grant para sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Naniniwala ang DSWD na makatutulong ang karagdagang cash grant sa mga benepisyaryo na makayanan ang inflation, dahil ang halaga ng cash grant na kanilang kasalukuyang natatanggap ay hindi nagbago simula nang lagdaan ang 4Ps bilang isang batas noong 2019.
“Ang malinaw na utos ng Pangulo, mag-conduct ng pag-aaral ang DSWD, NEDA, at PSA nang sa ganoon makita ang tamang formula na gagamitin should kailanganin ang increase na ito,” sabi ni DSWD spokesperson Assistant Secretary Romel Lopez.
“Tayo as long na aamyendahan, kung nagkakaron ng amendment sa 4Ps law at kung lulusot sa National Advisory Council, dahil ito ay atas na ng pangulo, we will gladly implement ano iuutos satin,” ani pa ni Lopez.
“One thing is for sure, pinag-utos ng Pangulo dahil nakikita ng Pangulo na baka yes nabibigyan ng CCT (conditional cash transfer), pero sapat pa ba ito, sapat pa ba ang CCT na natatanggap, baka kulang din naman matatanggap mo. Sa tinatakbo ng discussions, baka don na din patungo ang sitwasyon ng CCT,” dagdag ni Lopez.