Ayon sa Department of Education (DepEd) ngayong Biyernes, Marso 1, hindi nito pinahihintulutan ang pagbebenta ng mga booklet o workbook para sa ‘Catch-up Fridays’, at idinagdag na ang ganitong uri ng aktibidad sa paaralan ay hindi dapat manggaling sa bulsa ng estudyante o kanilang mga magulang.
“The Department reiterates that such acts are strictly prohibited. Catch-up Fridays and other school activities must not involve out-of-pocket costs. Parents and learners are reminded not to accommodate and patronize such unauthorized transactions,” mababasa sa statement ng DepEd.
Sinabi nito na nakatanggap ito ng ilang mga reklamo na ang ilang mga tauhan ng paaralan ay nagbebenta at nangangailangan ng mga mag-aaral na bumili ng mga booklet o workbook para sa Catch-up Friday at iba pang aktibidad.
Sinabi ng DepEd na nagsimula na sila ng imbestigasyon sa usapin.
“Any individual found guilty of such scheme shall face appropriate administrative sanctions,” sabi pa ng DepEd.
Ipinatupad ng DepEd ang Catch-up Fridays simula Enero 12 para pagbutihin ang kakayahan sa pagbabasa ng mga mag-aaral at pagandahin ang kanilang academic performance.