Naglaho na parang bula ang isang bag na naglalaman ng isang computer at dalawang memory stick na may data tungkol sa Paris 2024 Olympics na bitbit ng isang City Hall engineer, sinabi ng Paris Prosecutor’s Office nitong Miyerkules, Pebrero 28.

Ibinigay sa transport police ang imbestigasyon sa pagnanakaw kasunod sa Gare du Nord Railway Station sa Paris noong Pebrero 26, ayon sa tanggapan.

“Although he was careful to point out that his bag contained a professional USB memory stick … it is important to specify that this stick only contained notes relating to traffic in Paris during the Olympic Games, and not on sensitive security plans,” ayon sa statement ng office.

Tumangging magkomento sa insidente ang mga organizer ng Paris 2024 Olympics na gaganapin mula Hulyo 26 hanggang Agosto 11.

Inaasahang mahigit 30,000 miyembro ng police force ang mapapakilos araw-araw sa panahon ng Olympics, na may humigit-kumulang 300,000 manonood na inaasahang dadalo sa seremonya ng pagbubukas sa tabi ng River Seine.