Pumangalawa ang isa sa pinakasikat na Filipino fastfood chain na Jollibee sa fastest-growing restaurant sa buong mundo, ayon sa isang global brand valuation consultancy.
Pumuwesto rin ang Jollibee sa ika-5 sa pinakamalakas sa restaurant brand category, na itinaas ang rating nito mula AA- patungong AAA. Ang Jollibee ay ang tanging tatak ng Pilipinas sa listahan ng Top 10 Strongest Restaurant Brands noong 2024.
“Jollibee is the second fastest-growing brand this year, with its brand value up 51 percent to $2.3 billion(₱128.96 bilyon), while maintaining a strong brand position in its domestic market,” ayon sa Brand Finance, isa sa nangungunang brand strategy consultancy sa mundo.
Nangunguna ang fastest-growing restaurant brand sa mundo ay ang Chinese restaurant chain na Luckin Coffee.
“Being ranked as the second fastest growing brand in the world validates the effective work of all the leaders and teams of Jollibee—past and present—whose commitment to the brand and its customers has helped drive the brand’s sustained growth over the years,” sabi ni Jollibee Group President at Chief Executive Officer (CEO) na si Ernesto Tanmantiong.