Naniniwala si Palawan Rep. Jose Ch. ‘Pepito’ Alvarez na sadyang iniiwasan ng mga dayuhang mamumuhunan ang Pilipinas dahil sa foreign ownership restrictions na nakasaad sa 1987 Constitution.
“Yung 340 went to Vietnam. Hindi ba sapat na…na buksan na natin yung economy kasi kulelat na nga tayo sa buong ASEAN,” ani Palawan Rep. Jose Ch. ‘Pepito’ Alvarez.
Sinabi ni Alvarez, pangulo ng PDP-Laban, naka-usap nito ang ambassador ng Korea kamakailan at sinabi nito na sa 343 Korean investors na namumuhunan sa ibang bansa tatlo lang ang nasa Pilipinas.
“Yung mga napasang batas, opening-up the economy, hindi pa sapat. That’s very direct answer, because in the other countries, pagpalagay mo na sa Vietnam, wala namang foreign ownership sa lupa. Kasi, in a communist state, all lands belong to the state. Pero definitive yung 25 years, 50 years, 75 years, ito iyong mga benepisyo. Ito yung investmet mo, ito yung taong i-employ mo. Kumpleto sa recados,” ayon kay Alvarez.
Ayon kay Alvarez ang mga ipinasang batasa ng Kongreso gaya ng amyenda sa Public Service Act ay hindi sapat upang makahikayat ng dayuhang mamumuhunan.