Nandun kasi yun ‘balanse.’ Magandang gumawa ng batas pero mahirap magpaasa kung walang Pagasa. Kasi pag itinaas natin ang suweldo, dapat kaya ng ating negosyante,” sabi ni House Deputy Majority Leader at Iloilo 1st District Rep. Janette Garin.
Sa isang press conference, pinalahahanan ni House Deputy Majority Leader at Iloilo 1st District Rep. Janette Garin ang mga senador na huwag madaliin ang pagpasa ng panukala sa P100 minimum wage hike sa Mataas na Kapulungan.
“Maganda ang intensiyon nito pero yun implementation is one big question. Kasi alam naman natin ipapasa rin naman ito sa medium, hindi naman talaga malalakin ang mga negosyante,” giit ni Garin.
Aniya, 90 porsiyento ng mga negosyante sa bansa ay maituturing na small scale businesses na posibleng mahirapan sa pagpatupad ng P100 minimum wage increase kapag ito ay tuluyan nang naisabatas.
“Kunwari mayroon kang karenderia na may 10 tao. Kapag ipinatupad ito, siyempre pipilitin nating ipatupad ito, ang takot natin yun 10 tao ito’y maging pito na lang,” babala ng kongresista.