Ibinulgar ni Sen. Risa Hontiveros ang diumano’y natatanggap na banta sa buhay ng mga dating miyembro ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na tumestigo laban sa kanilang lider na si Pastor Apollo Quiboloy nitong mga nakaraang araw.
“’Yan ba ang utos ni Quiboloy? ‘Yan ba ang gawain ng ‘anak ng Diyos’? To anyone, trying to spoil our investigation. This is a warning. Waag ninyong linlangin ang imbestigasyon ng Senado. Hindi nyo kami basta-basta maloloko,” sabi ni Sen. Risa Hontiveros.
Sa punong balitaan sa Senado ngayong Huwebes, Pebrero 15, sinabi ni Hontiveros na bukod sa pagtanggap ng death threat, kine-casing na rin ang bahay ng mga testigo laban kay Quiboloy ng mga di kilalang kalalakihan na sakay ng motorsiklo.
Si Quiboloy, isa sa mga adviser ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, ay nahaharap sa kasong child abuse, panghahalay, child labor, at maging murder. Ilang ulit na siyang ipinatawag sa imbestigasyon ng Kongreso subalit palaging no-show ito.
“Ang malala, may mga miyembro ng Kingdom (KOJC), inutusan makipagugnayan sa opisina ko para magkunwaring tetestigo para ipagmukhang walang kuwenta ang hearing ng Senado,” ayon sa senador.