Matapos ang isang round ng rollback, inaasahang tataas ang presyo ng mga produktong petrolyo sa darating na linggo.
“There will be price increases in gasoline, diesel, and kerosene for next week, Tuesday, February 20,” sabi ni Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero.
“Estimated adjustment ranges from P1.10 to P1.50 [per liter], sabi ni Romero.
Ang inaasahang pagtaas ng presyo ng langis sa susunod na linggo ay maaaring dulot ng sumusunod na mga pangyayari:
•Middle East conflict intensifies at the Lebanese border.
•US crude stockpiles surge.
•Disruption of shipping in the Red Sea and Suez Canal.
•OPEC forecast of strong demand for 2024
Karaniwang nag-aanunsyo ng price adjustments ang mga kumpanya ng langis tuwing Lunes, na ipapatupad sa susunod na araw.
Epektibo noong Martes, Pebrero 13, binawasan ng mga kumpanya ng gasolina ang kada litro ng presyo ng gasolina, diesel, at kerosene ng P0.60, P0.10, at P0.40, ayon sa pagkakasunod.