Sinabi ni Vice President Sara Duterte na wala siyang planong kasuhan ang whistleblower na si dating Davao Senior Police Officer Arturo Lascañas matapos siyang akusahan na sangkot ng serye ng salvaging sa Davao City.
Sinabi ni Vice President Sara Duterte na kasalukuyan siyang nakikipag-ugnayan sa kanyang mga abogado hinggil sa mga akusasyon na ipinukol sa kanya ni dating Davao Senior Police Officer Arturo Lascañas na sa siya ang utak ng ‘Oplan Tokhang’ sa Davao City.
“Wala akong balak mag-sampa ng kaso sa kanya (Lascañas). In fact, siya ‘yung china-challenge ko na mag-sampa ng kaso sa akin ng murder doon sa Pilipinas,” sabi ni VP Sara.
Muling hinamon ni VP Sara ang mga nagaakusa sa kanya na maghain na kaso sa korte imbes na idinadaan ito sa media.
Aniya, magbibigay lamang siya ng salaysay sa mga Pilipinong abogado at local court authorities.
Una nang inamin ni Lascañas na siya ay isa sa orihinal na miyembro ng Davao Death Squad (DDS) kaya batid niya ang mga diumano’y pinapatay nila VP Sara at kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kanilang “drug war” campaign.