Naglabas ang Office of the Ombudsman ng kopya ng certification na may petsang Pebrero 14, 2024, na nagsasabi na walang nakabimbin na kaso si Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co sa naturang tanggapan.
“This certifies that our records show that as of 09 February 2023, Elizalde Salcedo Co, 3rd St., Fort Bonifacio, Taguig City, has NO PENDING CRIMINAL AND ADMINISTRATIVE CASE with the Office of the Ombudsman,” nakasaad sa certification ng Ombudsman.
Inilabas ng Office of the Ombudsman ang kopya ng clearance upang pabulaanan ang alegasyon ni Sen. Joel Villanueva na sangkot ang Sunwest Corporation, na umano’y pagaari ni Co, sa Pharmally scandal at maanomalyang pagbili ng pinaglumaang laptop para sa Department of Education.
“May mga Tax Cases din ang Sunwest sa Bureau of Internal Revenue tulad ng sinabi sa atin ng isang dating BIR Commissioner. Bukod dito, ano po itong reklamo sa Ombudsman ng Anti-Corruption Group na Task Force Kasanag International?” dagdag ni Villanueva.