Target ng Philippine Embassy sa Kuala Lumpur na maiparehistro ang lahat ng “stateless Filipinos” na naninirahan sa Sabah sa gitna ng territorial dispute sa pagitan ng Pilipinas at Malaysia.
Sinabi ni Ambassador to Malaysia-designate Maria Angela Ponce na aabot sa 770,000 ang bilang ng mga Pilipino sa Sabah, kung saan humigit-kumulang 550,000 ang itinuturing na “undocumented” o “stateless.”
Nagpadala ang embassy ng misyon sa rehiyon para magbigay ng civil registry services sa mga Pilipino.
“Being stateless if wala ka nang documentation, wala kang bansa nagke-claim sa iyo kaya stateless. So iyong pagre-register ng birth nila, pagbibigay ng passport sa kanila. that gives them a status na Filipino national,” sabi ni Ponce.
“Marami dito rin na hindi na nila… wala na silang identity na Filipino, because pinanganak sila sa Sabah. Ang alam nilang language ay Sabahan and lahat ng mga kamag-anak nila ay nasa Sabah. Marami ang nangyayari na napapabalik sila sa let say,Tawi-Tawi or Zamboanga. Pagdating nila doon, wala na rin kilala doon, wala na silang kamag-anak doon. So wala nang ties doon,” dagdag pa ni Ponce.