Ibinahagi ni Oscar Calolot ang ang kanyang karanasan kasama ang kanyang asawa sa Milan, Italy.
Naging janitor sa isang university sa umaga at may part-time na tagalinis sa mga bahay, hanggang sa makaipon para makapagtayo ng unang Pinoy supermarket sa kanilang lugar sa Italy.
“So grabe yung dinaanan namin dahil wala kaming papel walang kumukuha sa amin sa trabaho. Naglinis ako ng 32 na banyo naalala ko a day, sa umaga sa university. Nakaluhod ako kaya itim na itim itong tuhod ko pati itong mga kamay ko. I clean, I think, mga limang bahay sa isang araw”, kuwento ni Oscar Calolot, isang Pinoy na dating janitor ngayo’y may-ari na ng supermarket.
“Noong umpisa umiyak pa kami dahil walang benta. Twenty-five Euro a day. Sa akin para akong nagsisi. Umiyak ako sa Panginoon. From there, binigyan kami ng wisdom ng Diyos kung ano ang gagawin,” ani pa ni Calolot.
“Sabi ko Lord, bigyan mo ako ng konting katalinuhan lang. Wisdom ang hiningi ko na paano ipatakbo ang business. So binigyan naman kami ng idea ng Panginoon at nakipagcompete kami sa mga malalaki. Sabi ko nga ang mga Chinese may puhunan. Tayong mga Pilipino wala tayong puhunan. Malaki lang ang Diyos natin. Nasa likod ko,” sabi pa ni Calolot.
“Nagsindi ako ng kandila and I said to God, ‘kung ibibigay mo sa akin, ibigay mo. Kung ibabagsak mo ako, isara mo ngayon pa lang. Huwag mo na akong pahintulutan. Kung pahintulutan mo ako ituloy mo. Sabi ko sa Panginoon huwag mo ako pababayaan. It came from my faith,” dagdag pa ni Calolot.