Ikinabahala ni Bantay Bigas spokesperson Cathy Estavillo ang presyo ng bigas sa ilang pamilihan sa Metro Manila na pumalo na sa P54 hanggang P60 kada kilo.
“Yung P54 to P60 napakataas na yan para sa ating mga ordinaryong mamamayan, consumers. So ito nga ang lagi nating pinapanawagan sa gobyerno na aksyunan na, kailangang mag-subsidize ng presyo ng bigas ay gawin niya na,” ayon kay Bantay Bigas spokesperson Cathy Estavillo.
Dagdag pa ni Estavillo, maaaring tumaas pa ang presyo ng bigas dahil sa epekto ng El Nino na nararanasan na sa ilang bahagi ng bansa.
“Posible ‘yun ‘yung inflation kasi ang mabilis na pagtaas ng presyo ng pagkain ay nagdadagdag sa overall inflation ng economy,” sabi ni Estavillo.
Ulat ni Jhon Romer Regidor