Nag-aalok ng free 142 online courses na makikita sa website ng Harvard University sa Cambridge, Massachusetts.

Base sa anusiyo ng Harvard University, kabilang sa mga inalok nitong kurso ay programming, history, data sciences, mathematics, at humanities.

Ayon pa sa university officials, ang mga kurso ay tatagal mula isang linggo hanggang 12 linggo, at ito ay “taught exclusively online, typically asynchronously to allow the learner to complete the work within a wider designated time frame.”

Magbibigay din ang Harvard University ng libreng access sa mga materyales para sa bawat kurso, kabilang ang mga video at pagbabasa na inihanda ng instructors.

Pagkatapos makumpleto ang kurso, may option ang estudyante na magbayad mula P6,000 hanggang P17,000 para makakuha ng certificate of completion mula sa unibersidad.