Inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang private at public sectors na madaliin ang pakukumpuni ng lahat ng water projects sa bansa upang mapatatag ang water security at mabigyan ng solusyon ang nakaambang problema sa kakulangan ng supply ng tubig sa maraming lugar.
“Anticipating problems instead of letting them catch us by surprise is how we approach these challenges in the Bagong Pilipinas. We prepare for contingencies, solve problems, and defuse potential crisis before they occur. We dream of building a nation our children that proudly inherit— that our children can proudly inherit.,” sabi ni Marcos sa kanyang talumpati.
Pinangunahan ng Pangulo ang pagpapasinya ng Davao City Bulk Water Supply Project, itinuturing na pinakamalaking private bulk water supply facility sa Davao City ngayong Miyerkules, Pebrero 7.
Ang DCBWS project ay pinangangasiwaan ng Apo Agua Infrastructure, Inc. , na pagaari ng Aboitiz InfraCapital, sa pakikipagtulungan ng Davao City Water District kung saan ang pinagkukuhanan nito ng tubig ay mula sa Tamugan River.
“And as such, this project is worth bequeathing to the generations that will come after us,” giit ni Marcos.