Inihain na ni Albay 1st Rep. Edcel Lagman ang House Bill No. 9868 para magkaroon ng ‘enabling law’ ang People’s Initiative at mapagpatuloy ang pag-amiyenda ng Saligang Batas.
Sinabi ni Lagman na tumatalima ang House Bill No. 9868 sa requirements ng Supreme Court bilang isa sa mga paraan upang maamiyendahan ang 1987 Constitution.
Naniniwala ang kongresista na kapag naging ganap na batas ang kanyang panukala, magkakaroon na ang sambayanan ng “Tunay na Boses” sa pagsusulong na baguhin ang Konstitusyon.
Aniya, hindi makakikilos ang Commission on Elections (Comelec) dahil kulang sa batas para sa pagsusulong ng People’s Initiative and Reform Act.
Umapela rin si Lagman na itigil na ang kasalukuyang People’s Initiative na kanyang itinuring bilang isang “misadventure.”