Pinatutsadahan ng ilang kongresista ang mga senador na tila nagpapasarap lang sa buhay dahil ang mga miyembro ng Mababang Kapulungan ang nagsusunog ng kilay at nagpupursige sa mahahalagang panukala bagamat ang mga taga-Mataas na Kapulungan ang may mas mahabang termino.
“Bakit ‘yun Sneado masarap ang buhay?” tanong ni House Deputy Speaker David “Jay-jay” Suarez kina Senior Deputy Speaker Rep. Aurelio “Dong” Gonzales Jr. sa isang press briefing.
Sagot naman ni Gonzales, “Alam mo, bakit hindi eh itong Constitution na ito, 1987 Constitution parang talaga sila ang—I’m not saying nag-e-enjoy sila.”
“Bakit yung Senado masarap ang buhay?” Ito ang tanong ni House Deputy Speaker David “Jay-jay” Suarez ng Quezon kay Senior Deputy Speaker at Pampanga Rep. Aurelio “Dong” Gonzales Jr. sa isang press briefing.
“Tingnan nyo yung mga senador: ang senador ay may 6 na taon sa isang termino tapos meron pa silang reelection na isang termino—bale 12 taon. Kaya po masarap di ba? Bakit di masarap, kung halimbawang midterm ka, me election ng national, president at vice president, you can run for vice president or vice president. Kung matatalo ka pwede kang maging senador ulit. Di po naming kinukwestyon yun dahil nasa batas naman yun. Kapag natapos yung 12 years nila magpapahinga lang sila for 3 years and then they will go back as senators,” dagdag pa nito.
Hindi katulad ng mga senador, ang mga kongresista ay kailangang magpahinga ng isang termino o tatlong taon matapos magsilbi ng tatlong termino o siyam na taon, giit ni Gonzales.
“Pero anong sinabi ni (Christian) Monsod, Commissioner Monsod—during our hearing—kailangan yung senador pag natapos yung 12 years nila kailangan magpahinga sila 6 years pero nagpapahinga lang sila 3 years,” wika pa ni Gonzales.