Mahigit tatlong dekada na umanong hinaharang ng Senado ang pag-amyenda sa 1987 Constitution mula pa noong 8th Congress, ayon kay Cagayan de Oro City 2nd District Rep. Rufus Rodriguez.
“Our records show that they have consistently been obstructionist when it came to Charter reform in the past three decades – for a total of 12 Congresses or for 34-35 years – from the 8th Congress to the present 19th Congress,” sabi ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez.
Ayon kay Rodriguez, ang pagtutol sa constitutional amendment ng Senado ang dahilan kung bakit gumawa ng hakbang ang ilang pribadong grupo na ilunsad ang people’s initiative bilang paraan ng pag-amyenda sa Konstitusyon.
“That process will bypass the Senate. I personally do not want that to happen, but I think majority of us will support it out of frustration over the Senate’s obstructionism,” sabi ng kongresista mula sa Mindanao, na siyang chairperson ng House Committee on Constitutional Amendments.
Ipinunto ni Rodriguez na hindi inaaksyunan ng Senado maging ang resolusyon para maamyendahan ang economic provision ng Konstitusyon.
Ayon kay Rodriguez umaabot na sa 358 panukala kaugnay ng pag-amyenda sa Konstitusyon ang naihain sa Kamara mula noong 8th Congress hanggang ngayong 19th Congress.