Pinirmahan na ng mga lider ng Pilipinas at Vietnam ang tatlong kasunduan sa rice trade cooperation, incident prevention and management in the South China Sea, at agriculture and culture cooperation sa ginawang state visit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Vietnam.
Kabilang sa mga nilagdaa ay ang Memorandum of Understanding (MOU) on Rice Trade Cooperation, Understanding on Incident Prevention and Management in the South China Sea, Memorandum of Understanding on Cooperation in Agriculture and Related Fields, Memorandum of Understanding between the Philippine Coast Guard (PCG) at Viet Nam Coast Guard (VCG) on Maritime Cooperation.
Kasama rin sa mga sinelyuhang kasunduan ang Cultural Cooperation Program sa pagitan ng National Commission for Culture at Arts ng Pilipinas at Ministry of Culture, Sports and Tourism of the Socialist Republic of Viet Nam para sa taong 2024 hanggang 2029.
Nilagdaan din ang isang memorandum of understanding para sa Rice Trade Cooperation na magbabalangkas ng isang framework para sa pagtutulungan sa pagpapatibay ng rice supply laban sa epekto ng climate change, pandemia at iba pang kaganapan para sa dalawang bansa.
Inaprubahan ng Vietnam ang limang-taong trade commitment para sa tuluy-tuloy na supply ng bigas na aabot sa 1.5 milyon hanggang 2 milyong metriko tonelada ng bigas kada taon na may abot kayang presyo.