Isang Pinay ang nanalo ng $25,000 o 1.4 million pesos mula sa giveaway ng American YouTuber at online personality na si ‘MrBeast.’

Nakapukaw ng atensyon noong Enero 23, sa X (dating Twitter) ang American YouTuber sensational na si James Stephen Donaldson, mas kilalang MrBeast, kung saan inanunsyo niya magbibigay ng $25,000 para sa 10 random people na magre-repost ng kanyang announcement sa nasabing platform.

“I’m gonna give 10 random people that repost this and follow me $25,000 for fun (the $250,000 my X video made). I’ll pick the winners in 72 hours,” mababasa sa X post ni MrBeast.

Mahigit 3.8 milyong beses na na-repost ang tweet ni MrBeast, at kabilang sa mga mapalad na nanalo ay isang Pinay na may pangalang @xelaquimson1.

Hindi napigilan ng Pilipina ang kasiyahan dahil nanalo siya ng napakalaking halaga sa pamamagitan lamang ng pag-repost ng kanyang tweet.