Nanguna ang Pilipinas sa may pinakamataas na bilang ng internet users na nanonood ng online video content globally, ayon sa Digital 2024 Global Overview Report.
Samantala, humigit-kumulang 97.2 porsiyento ng mga Pilipinong nasa edad 16 hanggang 64 na taong gulang ang nanonood ng anumang uri ng video bawat linggo, batay sa ulat na pinagsama-sama ng creative agency na We Are Social kasama ang media intelligence company na Meltwater.
Natuklasan ito batay sa isang survey na isinagawa ng audience research company GWI noong ikatlong quarter ng 2023, sinabi ng ulat na We Are Social at Meltwater.
Ang Pilipinas ay sinundan ng mga sumusunod na bansa na may pinakamataas na porsiyento ng mga online video watchers:
- Mexico – 97.0%
- South Africa – 97.0%
- Indonesia – 96.9%
- Ghana – 96.8%
- Brazil – 96.4%
- Colombia – 96.3%
- Morocco – 96.2%
- Turkey – 96.2%
- UAE – 96.2%