Umakyat sa P60 hanggang P75 kada kilo ang presyo ng biga sa ilang tindahan sa Bicol region, ayon sa isang consumer group.
“Palaging binabanggit ng gobyerno na may stock, tumaas ang ating production… pero nananatiling napakataas ‘yung presyo ng bigas, mas tumaas pa,” sabi ni Cathy Estavillo of Bantay Bigas.
“Inaasahan natin na dapat bababa kasi ‘yung productin natin tumaas. May importation tayo,” ani ni Estavillo.
Kasama sa mga solusyong inilatag ng gobyerno mula noong nakaraang administrasyon ay ang pagtatayo ng mas maraming post-harvest facility. Ngunit ayon kay Estavillo, bigo pa rin ito na maibaba ang presyo ng bigas.
“Hindi talaga nila niru-root out ‘yung dahilan kung bakit tuloy-tuloy ‘yung kakapusan natin sa pagkain,” dagdag pa ni Estavillo.