Sinabi ng Department of Transportation (DOTr) ngayong Huwebes, Enero 25, na kinikilatis nila ang donasyon na apat na milyong plastic card na nagkakahalaga ng tinatayang P160 milyon mula sa isang private medical group.
“Hindi pwedeng tanggapin ‘yung donation kung may kundisyon. Ang gustong mag-donate ‘yung mga clinic. Sila yung nagha-handle ng medical check, baka mag-increase yung medical checkup fee, kawawa naman yung mga pasahero,” ayon kay DOTr Secretary Jaime Bautista.
Nauna nang sinabi ng Land Transportation Office (LTO) na ang donasyon mula sa isang association of medical clinics kung saan ilan sa kanila ay may kaugnayan umano sa pagpoproseso ng driver’s license.
“Hindi na donation ‘yun, babawiin nila, baka nga kumita pa sila,” sabi pa ni Bautista.