Namahagi ng pamunuan ng Correctional Institution for Women (CIW) sa mga persons deprived of liberty (PDLs) ng 2,837 puzzle booklets at 44 board games sa iba’t ibang piitan nito upang maisulong ang cognitive growth at mabawasan ang pagkaburyong ng mga PDL.
“These activities will not only provide entertainment but also serve as therapeutic tools to alleviate the stress and depression commonly experienced in correctional settings,” pahayag ni CIW chief Senior Supt. Daisy Sevilla-Castillote.
Ani CIW chief Senior Supt. Daisy Sevilla-Castillote, mahalaga na mapangalagaan ang mental health ng mga PDL sa pamamagitan ng makabuluhang recreational activities tulad ng puzzle at mga board games gaya ng chess, checkers, game of the generals at iba pa.
“This initiative aims to enhance the offenders’ cognitive abilities, focusing on problem-solving, decision-making, memory retention, and logical reasoning,” ani Castillote. (Photo courtesy of Bureau of Corrections)