Nagsumbong ang isang babaeng Pinoy at dalawang babaeng Ukrainian nitong Martes, Enero 23 sa harap ng Senate panel na ang pinuno ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na si Pastor Apollo Quiboloy ay hinalay sila habang sila ay umaaktong pastoral ng kanilang simbahan.

Si Quiboloy, spiritual adviser ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, ay pinaghahanap ng US Federal Bureau of Investigation para sa umano’y sex trafficking, fraud, coercion, at bulk cash smuggling charges.

Ikinuwento ng babaeng Filipino na si alyas “Amanda” sa Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality na siya at ang kanyang kapatid na babae ay na-recruit sa isang koro ni Marlon Rosete upang kumanta bago si Quiboloy sila hinalay sa kanyang bahay sa Quezon City.

“Basta ibigay ko daw ang sarili ko. Maghanda daw ako, maligo, mag-toothbrush, sinabihan din ako mag blow dry ng buhok…Hangga’t walang sinasabi si Quiboloy na puwede na akong umalis, hindi ako dapat lumabas ng kuwarto,” sabi ng biktima na alyas “Amanda.”