Ikinokonsidera ng Land Transportation Office (LTO) ang mandatory registration ng lahat ng uri ng electronic bikes o e-bikes, ayon sa ulat ni Katrina Son sa Unang Balita nitong Martes.
“Pag tumatakbo ‘yan ng less than 25 kilometers per hour, hindi kailangan i-rehistro sa LTO although we’d like to deviate from that thinking,” sabi ni Assistant Secretary Vigor Mendoza, LTO chief.
Nakapagtala mula Enero hanggang Nobyembre noong nakaraang taon ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng 556 na aksidente kaugnay ng mga e-bikes sa National Capital Region (NCR).
Sa kasalukuyan, hindi kinakailangan na magkaroon ng lisensya ang mga e-bike driver.
“So, we’re coming up with a proposal, regardless of the speed of the vehicle… kelangan rehistrado sa LTO,” ani ni Mendoza.